18 April 2010

Agaw-Buhay

Nakaupo sa tabi ng kanyang asawang agaw-buhay si Juan.
Hawak hawak niya ang kamay nito at nararamdaman ni Juan
na hindi na magtatagal at babawian na ng buhay ang kanyang asawa.
"Juan, bago ako mamatay, mayroon akong gustong ipagtapat
sa iyo."
"Mahal, huwag ka ng magsalita at makakasama pa sa iyo."
"Pero Juan, kailangan talagang malaman mo na........"
"Sssshhhh, kung ano man iyon ay hindi na mahalaga, ang
importante ay nasa tabi mo ako sa huling sandali mo
rito sa mundo."
"Juan, nais kong ipagtapat sa iyo na pinag-taksilan kita
sana ay patawarin mo ako."
"Alam ko iyon, kaya nga kita NILASON."

No comments:

Post a Comment