15 March 2010

Jokes 1

Job interview:
Boss:
Ano ang alam mo?
Rommel: Alam ko po kung saan kayo nakatira ng misis niyo, at kung saan nakatira ang kabit niyo.
Boss:
Tanggap ka na!



------------ -- ------------ ----
------------ - --
Tomas:
Sobrang tabatsoy ang misis ko, kaya gusto niyang magbawas ng timbang.

Nag-horseback riding siya...
Jorge: Ano'ng resulta?

Tomas:
Nabawasan ng sampung kilo 'yung kabayo!



------------ ---- ------------ --- ------------ - --

Ama:
Kumusta ang pag-aaral mo?
Anak: Nag-lesson at test po kami tungkol sa mga manok.
Ama: Ano, madali ba?

Anak: Chicken na chicken!
Ama: Anong grade mo?

Anak: Itlog po.



------------ -- --------- ----------- ---------- ---

Dalawang holdaper sa bangko:

Holdaper #1: Yehey! Mayaman na tayo!
Holdaper #2: Bilangin mo na!

Holdaper #1: Alam mo namang mahina ako sa math. Abangan na lang natin sa balita kung magkano!



-------- ----------- ----------- ------------ -----

Pasyente: Okey ba ang services sa ospital na ito?
Doktor: Oo naman. Sigurado 'yon.

Pasyente: Paano kung hindi ako satisfied?
Doktor: Ibabalik namin ang sakit mo.



------------ ------------ ------------ -- ----

3 tanga nagsi siksikan sa maliit na kama ***

TANGA1: Pare, di tayo kasya. Bawas tayo ng isa, sa lapag na lang matulog.

(Bumaba si Tanga 1.)
TANGA2: Ayan, pare maluwag na, akyat kana dito!



************ ********* **

Dear Dodong,

Sa susunod anak, Nido non-fat na lang ang ipadala mo sa tatang mo. Nasisira kasi ang tiyan niya sa pinadala mong Nivea Moisturing Milk...
Nagmamahal - Nanay




************ ********* **

ANAK: ' Tay , penge ng pera. May project kami. Bibili ako ng 'cocomban'.
TATAY:
Ano ka ba naman. Hangga ngayon 'cocomban' pa rin ang tawag mo!
ANAK: Ano po ba ang tama?
TATAY:
Bomb paper!




************ ********* ********* **

MISIS: Dear, iligaw mo nga tong pusa. Nakasako na. Dalhin mo sa malayo!
MISTER: Ok!

MISIS: Bakit ka ginabi? Niligaw mo ba ang pusa?
MISTER: Bwisit na pusang yan! Kundi ko siya sinundan, di ako nakauwi!




************ ********* ********
PEDRO:
Galing ako sa doktor, nakabili na ako ng hearing aid. Grabe ang linaw ngayon nang pandinig ko!
JUAN: Wow, galing! Magkanong bili mo sa hearing aid?
PEDRO: Kahapon lang!




************ ********* ********* ***

At a funeral...

ERAP: Tara na, Jinggoy. Alis na tayo!
JINGGOY: Kararating pa lang natin a!
ERAP: Naku mahirap nang maiwan. Basahin mo o: 'REMAINS WILL BE CREMATED.'




************ ********* ********

Tanga 1: Ano bang hinahanap mo diyan sa supot ng 3-in-1 coffee. Kanina ka pa silip nang silip diyan.
Tanga 2:
Hinahanap ko yung libreng asukal.. Nakasulat kasi sa karton 'SUGAR FREE.'



************ ********* *******
JUAN: Pare, ang bilis kong nabuo 'tong puzzle!
PEDRO: Talaga? Gaano kabilis?

JUAN: 5 months!
PEDRO: Tagal naman!

JUAN: Tagal ba 'yun? Nakalagay nga dito:
'for 3 years & up'!

No comments:

Post a Comment