12 July 2010
Si Dan na taga-Bicol
Dumating si Dan sa Amerika sa tulong nang kanyang kumpare na may kontak sa immigration sa Pilipinas. Medyo tagilid ang papeles niya kaya masyado siyang maingat (TNT). Ayaw man lang lumabas ng bahay si Dan kung hindi kasama ang kanyang kumpare.
Eh minsan, nagsawa na ang kanyang kumpare sa kaaalalay sa kanya. "Pareng Dan," Sabi ni kumpareng itinatago ang inis, "Heto ang susi ng kotse, at mga credit cards ko. Mag-shopping ka naman sa mall, lumabas ka naman ng bahay nang malibang ka naman. Kung may problema ka, tawagan mo ako sa telepono sa opisina, papasok na ako."
Eto na po, dahil na siguro hiyang-hiya na rin si Dan, kahit nerbiyos na nerbiyos ang kolokoy, sinubukan niyang lumabas. Tuwang-tuwa si tarantado (Dan) sa pamamasyal sa mall. Nakapili ng damit na gusto niya, pero pagdating sa cashier, biglang tanong sa kanya Sir! Visa or MasterCard?
Biglang nataranta at natakot si Dan, todo-panic ika nga! Karipas ng takbo palabas si Dan, dahil sa takot! "Aba!, tinamaan ng lintik at hinahanap ang visa ko!" sabi ni Dan, "Baka nabisto na ako!, Shet!" Sakay kaagad siya nang kotse ni kumpare, haruruot!.
Kaso, halos wala nang gas ang sasakyan kaya huminto siya sa isang gas station. Nang maglagay siya nang gas, biglang nagsalita ang cashier sa speaker, "Sir! pay first please!". "Naku, patay! Papers daw! Hinahanap ang papers ko!"
Nagtatakbo si Dan sa maga eski-askinita hanggang makakita siya ng pay phone. Patago-tago siyang lumapit sa pay phone.(hingal)Kailangang...(hingal) ... matawagan ko .... (hingal) si Kumpare ... (hingang malalim, sabay lulon) para masundo niya ako rito ... (hingal).
Pagtaas niya ng telepono, narinig niya, "AT&T, how may I help you?" ... ..... "Aba, Anak ng putakteh!, alam na TNT ako! Buking na ako!" Pagbaba niya ng telepono, may amerkanong nakatayo sa likod niya, ang tanong ba naman.....
"Are you done?". Napahandusay si Dan sa phone booth. Biglang bulalas, "Buray kan ina!, alam pa ang pangalan ko!" Sa gulat ng amerikano ..... "Hey! be cool, man!", "Hinakupo," sabi ni Dan, "Alam pa kung taga-saan ako!". Sa matinding takot at nerbiyos ni Dan, nagpahuli na lang siya.
Ngayon si Dan ay nasa Bicol na muli at binansagan siyang si "Dan Balikbayan".

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment