It was the first day of school in WashingtonDC and a new student named Dagohoy, the son of a Filipino immigrant, entered fourth grade.
The teacher began, “Let’s review some American history, class. Who said ‘Give me liberty or give me death?’” She saw a sea of blank faces, except for Dagohoy’s who had his hand up, “Patrick Henry, 1775.” “Very good,” said the teacher.
“Who said ‘Government of the people, by the people, and for the people shall not perish from the earth’”?
Again, no response except from Dagohoy: “Abraham Lincoln, Gettysburg, 1863,” he said.
The teacher snaps at the class, “Class, you should be ashamed, Dagohoy who is new to our country knows more about our history than you do.”
She hears a loud whisper from the back: “Screw the Filipinos.”
“Who said that?” she demanded.
Dagohoy put his hand up. “General John Pershing, Manila, 1896.”
At that point, Jack, another student says, “I’m going to puke.”
The teacher glares and asks, “All right! Now who said that?”
Again Dagohoy answers, “George Bush, Sr. to the Japanese Prime Minister during the state dinner, Tokyo, 1991.”
Now furious another student yells, “Oh yeah? Suck this!!”
Dagohoy jumps out of his chair waving his hand and shouts to the teacher at the top of his voice, “Bill Clinton to Monica Lewinsky, the Oval Office, 1997!!”
Someone shouts, “You little shit if you say anything else, I’ll kill you.”
Dagohoy yells, “Congressman Gary Condit to Chandra Levy, Washington, D.C., 2001!”
The teacher faints.
“I’m outta here!” mutters one student as he sidles to the door.
“President Gloria Macapagal Arroyo, BaguioCity, December 30, 2002!!” Dagohoy responds.
As the class gathers around her on the floor, someone says, “Oh shit, now we’re really in big trouble!”
“Saddam Hussein, on the Iraq invasion, Baghdad, May 2003!” Dagohoy bellowed.
“Now, I really have to run,” Jack mutters, heading for the exit.
“Gloria Macapagal Arroyo again, Pampanga, October 4, 2003!!!” Dagohoy shouts triumphantly jumping with glee.
Please do not get confused with my surname, Chu. I am not Chinese, I am a true-blooded Pinoy. If I am not a real McCoy, I will not be able to find and deliver humor in this blog. I hope you'll find pleasure in reading my posts. Be my friend. You can call me Chuvanes (which is another word for chever).
1. Ats if! 2. The nerd! 3. I'm sick of tired. 4. True good to be true. 5. When it rains, it's four. 6. Once in a new moon. 7. Keep your mouth shock. 8. Connect me if I'm wrong. 9. I hope you don't mine. 10. Will you please give me alone? 11. Please don't make fond of me.
How do you expect kids to listen to their parents when Tarzan lives half naked. Cinderella comes home at midnight. Pinocchio lies all the time. Aladdin is the king of thieves. Batman drives 200mph. Popeye smokes like crazy. Sleeping beauty is lazy, and Snow White lives with 7 guys. We shouldn't be surprised when kids misbehave, they get it from their story books.
Ang Sulat ni Maria
Registered nurse si Maria sa States.Kasama nya ang kanyang ina na nagpagamot doon.
Ngunit namatay ang ina nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Maria.
Pinauwi na lang nya ang kabaong
ng kanyang ina na mag-isa.
Pagdating ng kabaong, napansin ng pamilya ni Maria na dikit na dikit ang mukha ng patay sa salamin ng ataul. Sabi ng isang anak, “ Ano ba naman ‘yan! Hindi marunong mag-ayos ng bangkay sa Amerika! “
Binuksan ng pamilya ang kabaong upang ayusin ang itsura ng bangkay. Aba! May sulat sa dibdib ng patay na ina. Kinuha nila ito at binasa.
Ito ang nilalaman ng sulat na mula kay Maria:
Mahal kong tatay at mga kapatid:
Pasensya na kayo at ‘di ko nasamahan ang nanay sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe. Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit $1,000 na. Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga.
Anyway, ipinadala ko kasama ni nanay ang mga sumusunod:
- Nasa likod ni nanay ang dalawampu’t apat na karne norte. Ang Adidas na suot ni nanay ay para kay tatay.
- Ang limang pares ng de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na backpack na inuunan ni nanay. Tig-iisa kayo.
- Ang iba’t-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa pwet ni nanay. Para sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte. Sana ay hindi natunaw ang mga ito.
- Ang Pokemon stuff toy na yapos-yapos ni nanay ay para sa bunso ni ate. Gift ko sa first birthday ng bata.
- Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene. Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni Inay, kasama nito ang Japanese version ng Pokemon trading cards at stickers.
- Suot ni nanay ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa ay para kay kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko . Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta.
- Suot din ni inay ang anim na panty hose at tatlong leg warmers para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot ninyo sa party.
- May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni nanay. Para sa inyo, Itay, Kuya, Dikong, Tiyo Romy. Bigyan nyo na rin ng tig-isa yung mga pamangkin ko at yung isa ay para kay Pareng Tulume.
- Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee caps na suot-suot din ni nanay ay para sa mga anak mo, Diko, na nagbabasketball.
- Tigdadalawang ream ng Marlboro Green at Winston Lights ang nasa pagitan ng mga hita ni Inay. Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid, isang Kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa kilikili ni nanay. Hati-hati kayo, huwag mag-aagawan.
- Isang dosenang Wonder Bra na gusting-gusto ni Tiya Iska, suot-suot din ni nanay. Alam kong inaasam-asam nyo yan, Tiyang. Ang Rolex na bilin-bilin mo, Tatay, suot-suot ni nanay. Kunin mo agad, Tatay, baka mapag-interesan pa ng iba.
- Ang hikaw, singsing at kwintas ( na may nakakabit pang anim na nail cutters) na gustong-gusto mo, Ditse, ay suot-suot din ni nanay. Kunin mo na rin agad, Ditse.
- Isang Rae Ban ladies sunglass na pa-birthday ko kay Ninang Berta, hindi ko na pinasuot kay nanay. Isiniksik ko na lang sa may bandang ulunan ni nanay. Nasa pink na plastik na maliit.
- Mga Chanel at Champeon na medyas, suot-suot din ni nanay. Tig-iisa kayo, mga pamangkin ko.
- Mga pampers, panty liners, cotton buds, cotton balls, table napkins at mga scotch brite na may foam ay natatakpan ng mga puting bath towels …. ‘yun bale ang pinangkutson ko sa kabaong ni nanay. Marami-rami rin ‘yon. Parte-parte rin kayo.
- Marami pa akong pinagsisiksik kung saan-saang parte gaya ng cafe, coffee creamer, ilang Vienna sausage na de-lata, Barbie dolls, toothbrush, paper cups, plastic spoon and fork, paper at styro foam plates, perfume, cologne, ballpens, stationeries, envelopes, bar soaps, match box toys, used t-shirts, hand towels, CD, VHS tapes, padlock, tools gaya ng screw driver, plais, long nose, atbp.
Hindi ko na na-itemize ang lahat dahil sa nagmamadali ako. Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka mag excess baggage at si Nanay pa ang maiwan.
Basta parte-parte kayo, Tatay, Kuya, Ate, Dikong, Ditse. Para sa inyong lahat ito.
Bahala na kayo kay Nanay. Pamimisahan ko na lang sya rito. Balitaan nyo na lang ako pagkatapos ng libing.
Paki-double check ang lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko.
Nagmamahal,
Maria
PS. Pakibihisan agad si Nanay!
Ang Sulat ni Tatay
Minamahal kong anak,
Medyo mabagal akong mag type ngayon dahil alam kong mabagal ka naman magbasa. Nandito na kami sa probinsya para tirahan ang bagong bili na bahay. Pero hindi ko maibigay sa iyo ang address dahil dinala ng dating nakatira ang number para daw hindi na sila magpapalit ng address.
Maganda ang lugar na ito at malayo sa Maynila. Dalawang beses lang umulan sa linggong ito, tatlong araw noong una at apat na araw noong pangalawa.
Nakakainis lang ang mga paninda dito! Katulad na lang nung nabili kong shampoo, ayaw bumula! Nakasulat FOR DRY HAIR kaya naman hindi ko binabasa ang buhok ko pag ginagamit ko. Mamaya ay ibabalik ko sa tindahan at magrereklamo ako.
Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok sa bahay dahil ayaw bumukas ng padlock. Nakasulat kasi ay YALE, eh aba namalat na ako sa kasisigaw ay hindi pa din bumubukas. Magrereklamo din ako sa nagbenta ng bahay... aba’y akala ba nila hindi ko alam na ‘sigaw’ ang tagalog ng YALE, aba’y wais yata ito!
Mayroon nga pala akong nabili na magandang jacket at tiyak na magugustuhan mo. Ipinadala ko na sa iyo pero dahil medyo mahal daw kasi mabigat ang mga botones kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko na lang ang mga botones at inilagay ko na lang sa bulsa ng jacket. Ikabit mo na lang pag dating diyan.
Nagpadala rin ako ng tseke para sa mga nasalanta ng bagyo, hindi ko na pinirmahan dahil gusto ko na maging anonymous donor.
Ang kapatid mo palang si Jhun ay may trabaho na dito, mayroon siyang 500 na tao na under sa kanya. Nag-gugupit siya ngayon ng damo sa memorial park, okey naman ang kita above minimum ang sahod.
Nakapanganak na rin pala ang Ate Baby mo, hindi ko pa alam kung babae o lalaki kaya hindi ko pa masasabi kung ikaw ay bagong uncle or auntie...
Isa pa nga pala, babalik ako diyan sa Oktubre pero naguguluhan ako! Diba yung Victory Liner, BLTB Liner, Pascual Liner at Alfonso Liner ay mga pampasaherong bus. Yung Panty Liner, bus din ba yun? Saan ba ang Terminal nila?
At saka nga pala, may nag-interview sa akin diyan at nakalimutan kong banggitin sa iyo, taga Magandang Umaga Bayan daw siya at nakunan ako sa TV. Ang tanong sa akin ay ano raw sa salitang Inggles ang Kulangot. Di ko nasagot... ikaw anak, alam mo?
Wala na akong masyadong balita. Hanggang sa muli, anak. Marami pa kasi akong aasikasuhin. Isasauli ko pa yung shampoo at hahanapin ko pa yung terminal ng Panty Liner.
Love,
Tatay
P.S. Maglalagay sana ako ng pera kaya lang ay naisara ko na ang envelope. Next time na lang ha!
Ang Sulat ni Nanay at Tatay sa Atin
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako
at pagpasensiyahan.
Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.
Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng ‘binge!’ paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.
Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.
Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.
Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo ‘yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga’t hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.
Natatandaan mo noong bata ka pa? pinagtyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.
Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako’y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.
Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap.
Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.
Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.
At kapag dumating ang sandali na ako’y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.
Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal.
Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.
At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana … dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina…
Inday Jokes
Dahil sa tindi ng kahirapan sa probinsya, namasukan si Inday bilang katulong sa Maynila. Habang ini-interview ng amo… Amo: Kelangan namin ng katulong para mag ayos ng bahay, magluto, maglaba, magplantsa, mamalengke, at magbantay ng mga bata. Kaya mo ba ang lahat ng ito?
Inday: I believe that my trained skills and expertise in management with the use of standard tools, and my discipline and experience will contribute significantly to the value of the work that you want, my creativity, productivity and work-efficiency and the high quality of outcomes I can offer will boost the workprogress. Amo: [nosebleed]
Nakaraan ang dalawang araw, umuwi ang amo, nakitang me bukol si junior. Amo: Bakit me bukol si junior?
Inday: Compromising safety with useless aesthetics, the not-so-well engineered architectural design of our kitchen lavatory affected the boy’s cranium with a slight boil at the left temple near the auditory organ.
Amo: [nosebleed ulit]
Pagdating sa bahay, nandun na ang amo, galit na galit.
Amo: Inday, bakit nagkalat ang basura sa likod ng bahay?!
Inday: A change in the weather patterns might have occurred wrecking havoc to the surroundings. The way the debris are scattered indicates that the gust of wind was going northeast causing damage to the path it was heading for. Amo: [napatumbling!!]
Amo: Inday, bakit binenta mo ung sira na silya?! Inday: I have computed the chair’s fair value less cost to sell, and the value in use using the projections for 5 years and a pretax discount rate. Accordingly, the value in use is lower, so I decided to sell the chair. This is in accordance with PAS18 on Revenue, PAS16 on PPE, and PA36 on Impairment of Assets. Amo: [nagsomersault!!! Accountant din pala si inday...]
Habang nagluluto si Inday ng hapunan, malikot si junior.
Inday: Stop your raucous behavior. It is bound to result in property damages and if that happens there will be corresponding punishment to be inflicted upon you! Junior: [takbo sa CR, pinunasan ang nagdudugong ilong!!]
Pagkatapos magluto, nanood na ng TV si Inday. Nabalitaan nya umalis si Angel Locsin sa GMA 7.
Junior: Bakit kaya sya umalis? Inday: Sometimes, people choose to leave not because of selfish reasons but because they just know that things will get worse if they’ll stay. Leaving can be a tough act, and it’s harder when people can’t understand you for doing so. Junior: [tuloy ang pagdugo ng ilong]
Nung gabing yon, me nag text ke Inday. Si Dodong, ang driver ng kapitbahay, gusto maki pag text-mate.
Inday: To forestall further hopes of acquaintance, my unfathomable statement to the denial of your request - Petition denied.
Di naglaon, dahil sa tyaga ni Dodong, naging syota nya rin si Inday. Pero di tumagal ang kanilang relasyon, at nakipag-break si Inday ke Dodong.
Inday: The statute restricts me to love you but you have the provocations. The way you smile is the proximate cause why I love you. We have some rules to think of. We have no vested rights to love each other because the upper household dismissed my petition!”
Dodong: Perhaps you are mistaken, what you seem to contrive as any affections for you are somewhat half-hearted. I was merely attempting to expand my network of interests by involving you in my daily recreation. Heretofor, you can expect an end to any verbal articulation from myself. (May dumaan na mamang basurero, at narinig ang usapan ni Inday at Dodong.)
Basurero (sabi ke Inday): Be careful in letting go of the things you thought are just nothing because maybe someday you’ll realize that the one you gave away is the very thing you’ve been wishing for to stay.
Narinig ang lahat ng eto ng amo ni inday.
Amo: {hinimatay sa sobrang nosebleed! Hanggang ngayon hindi pa nagkakamalay}
Si inday, sumulat sa kanyang inay ng mga hinaing sa buhay…
Dear mom, Had it been for the smelling salt, I must have collapsed moments ago. Junior has become a little monster to me.
Remember the head accident he had? As if it wasn’t enough, he was summoned by the principal of his shabbily run academe. Oh, such an erudite bunch of baboons! I never thought being a governess can be such strenuous employ.
No comments:
Post a Comment