10 February 2011
Modern Filipino Terminology
1. BAKTOL — ang ikatlong lebel ng mabahong amoy sa kili-kili. ang baktol ay kapareho ng amoy ng nabubulok na bayabas. ito’y dumidikit sa damit, at humahalo sa pawis. madalas na naaamoy tuwing registration, sa elevator o FX.
“Put@#$%, sinong nangangamoy BAKTOL sa inyo????!!!
2. KUKURIKAPU — libag sa ilalim ng boobs. madalas na namumuo dahil
sa labis na baby powder na inilalagay sa katawan. Maaari ding mamuo kung
hindi talaga naliligo o naghihilod ang isang babae. ang KUKURIKAPU ay mas madalas mamuo sa mga babaeng malalaki ang joga.
“Honey, maligo ka na para maalis yang KUKURIKAPU mo.”
3. MULMUL — buhok sa gitna ng isang nunal. mahirap ipaliwanag kung bakit nagkakaroon ng MULMUL ang isang nunal. subalit hindi talaga ito naaalis, kahit na bunutin pa ito, maliban na lamang kung ipapa-laser ito.
“How nice naman your MULMUL! Nakakakiliti!”
4. BURNIK — taeng sumabit sa buhok sa pwet. madalas nararanasan ng mga taong nagti-tissue lamang pagkatapos tumae. ang BURNIK ay mahirap alisin, lalo na kapag natuyo na ito. ipinapayo sa mga may BURNIK na maligo na lamang upang ito’y maalis.
“Labs, alam ko kung anong kinain mo kanina!!!”
5. ALPOMBRA — kasuotan sa paa na kadalasang makikitang suot ng mga tindero ng yosi sa quiapo. ito’y may makipot na suotan ng paa, at manipis na swelas. mistulang sandalyas ito ng babae pero kadalasang
suot ng mga lalaki. available in blue, red, green, etc.
6. BAKOKANG — higanteng peklat. ito’y madalas na dulot ng mga sugat na malaki na hindi ginamitan ng sebo de macho habang natutuyo. imbes na normal na balat ang nakatakip sa bakokang, ito’y mayroong makintab na takip.
7. AGIHAP — libag na dumikit sa panty o brief. nabubuo ang AGIHAP kung ang panty o brief ay suotsuot na nang hindi bumababa sa tatlong araw.
8. DUKIT — ito ang amoy na nakukuha kung isinabit mo ang daliri mo sa iyong puwit o sa puwit ng iba….try it to prove it thats DUKIT.
9. SPONGKLONG — ito’y isang bagong wika na nangangahulugan sa isang estupidong tao.
“Buti naman at bumaba na sa puwesto ang spongklong nating Presidente.”
10. LAPONGGA — ito’y kahintulad sa laplapan o kaya sa lamasan.
“Hoy Utoy, bakit ba ang hilig mo sa mga sineng puro lapongga lang ang palabas?”
11. WENEKLEK — ito ang buhok sa utong na kadalasang nakikita sa mga tambay sa kanto na laging nakahubad. Meron din ang babae nito.
“Inay! Si Itay, sinaksak yung kapitbahay natin kasi hinila yung weneklek niya!”
12. BAKTUNG — pinaikling salita ng BAKAT-UTONG.
“Uy Jefferson, tingnan mo si Ma’am, baktung na naman!”
13. BAKTI — bakat panty.
14. ASOGUE — buhok sa kilikili.
15. BARNAKOL — maitim na libag sa batok na naipon sa matagal na panahon.
16. BULTOKACHI — tubig na tumatalsik sa pwet kapag nalalaglag ang isang malaking ebak.
17. BUTUYTUY — etits ng bata
18. JABARR — pawis ng katawan
19. KALAMANTUTAY — mabahong pangalan
20. McARTHUR — taeng bumabalik after mong i-flush. “I shall return!”
Source: Priam07
Subscribe to:
Posts (Atom)