30 January 2010
Ang Sulat ni Maria
Registered nurse si Maria sa States.Kasama nya ang kanyang ina na nagpagamot doon.
Ngunit namatay ang ina nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Maria.
Pinauwi na lang nya ang kabaong ng kanyang ina na mag-isa.
Pagdating ng kabaong, napansin ng pamilya ni Maria na dikit na dikit ang mukha ng patay sa salamin ng ataul. Sabi ng isang anak, “ Ano ba naman ‘yan! Hindi marunong mag-ayos ng bangkay sa Amerika! “
Binuksan ng pamilya ang kabaong upang ayusin ang itsura ng bangkay. Aba ! May sulat sa dibdib ng patay na ina. Kinuha nila ito at binasa.
Ito ang nilalaman ng sulat na mula kay Maria:
Mahal kong tatay at mga kapatid:
Pasensya na kayo at ‘di ko nasamahan ang nanay sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe. Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit $1,000 na. Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga.
Anyway, ipinadala ko kasama ni nanay ang mga sumusunod:
- Nasa likod ni nanay ang dalawampu’t apat na karne norte. Ang Adidas na suot ni nanay ay para kay tatay.
- Ang limang pares ng de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na backpack na inuunan ni nanay. Tig-iisa kayo.
- Ang iba’t-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa pwet ni nanay. Para sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte. Sana ay hindi natunaw ang mga ito.
- Ang Pokemon stuff toy na yapos-yapos ni nanay ay para sa bunso ni ate. Gift ko sa first birthday ng bata.
- Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene. Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni Inay, kasama nito ang Japanese version ng Pokemon trading cards at stickers.
- Suot ni nanay ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa ay para kay kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko . Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta.
- Suot din ni inay ang anim na panty hose at tatlong leg warmers para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot ninyo sa party.
- May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni nanay. Para sa inyo, Itay, Kuya, Dikong, Tiyo Romy. Bigyan nyo na rin ng tig-isa yung mga pamangkin ko at yung isa ay para kay Pareng Tulume.
- Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee caps na suot-suot din ni nanay ay para sa mga anak mo, Diko, na nagbabasketball.
- Tigdadalawang ream ng Marlboro Green at Winston Lights ang nasa pagitan ng mga hita ni Inay. Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid, isang Kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa kilikili ni nanay. Hati-hati kayo, huwag mag-aagawan.
- Isang dosenang Wonder Bra na gusting-gusto ni Tiya Iska, suot-suot din ni nanay. Alam kong inaasam-asam nyo yan, Tiyang. Ang Rolex na bilin-bilin mo, Tatay, suot-suot ni nanay. Kunin mo agad, Tatay, baka mapag-interesan pa ng iba.
- Ang hikaw, singsing at kwintas ( na may nakakabit pang anim na nail cutters) na gustong-gusto mo, Ditse, ay suot-suot din ni nanay. Kunin mo na rin agad, Ditse.
- Isang Rae Ban ladies sunglass na pa-birthday ko kay Ninang Berta, hindi ko na pinasuot kay nanay. Isiniksik ko na lang sa may bandang ulunan ni nanay. Nasa pink na plastik na maliit.
- Mga Chanel at Champeon na medyas, suot-suot din ni nanay. Tig-iisa kayo, mga pamangkin ko.
- Mga pampers, panty liners, cotton buds, cotton balls, table napkins at mga scotch brite na may foam ay natatakpan ng mga puting bath towels …. ‘yun bale ang pinangkutson ko sa kabaong ni nanay. Marami-rami rin ‘yon. Parte-parte rin kayo.
- Marami pa akong pinagsisiksik kung saan-saang parte gaya ng cafe, coffee creamer, ilang Vienna sausage na de-lata, Barbie dolls, toothbrush, paper cups, plastic spoon and fork, paper at styro foam plates, perfume, cologne, ballpens, stationeries, envelopes, bar soaps, match box toys, used t-shirts, hand towels, CD, VHS tapes, padlock, tools gaya ng screw driver, plais, long nose, atbp.
Hindi ko na na-itemize ang lahat dahil sa nagmamadali ako. Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka mag excess baggage at si Nanay pa ang maiwan.
Basta parte-parte kayo, Tatay, Kuya, Ate, Dikong, Ditse. Para sa inyong lahat ito.
Bahala na kayo kay Nanay. Pamimisahan ko na lang sya rito. Balitaan nyo na lang ako pagkatapos ng libing.
Paki-double check ang lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko.
Nagmamahal,
Maria
PS. Pakibihisan agad si Nanay!
29 January 2010
What is Chever?
CHEVER is also the same thing as chuva, churva, or chenes.
It can also be chuvachenes, cheverlu or chuvanes.
CHEVER means wala lang. It's a filler. You can also attribute whatever meaning you want to this word.
It can also be chuvachenes, cheverlu or chuvanes.
CHEVER means wala lang. It's a filler. You can also attribute whatever meaning you want to this word.
Usage:
A: Puede mo bang pakiusapan si Gloria na pakawalan na si Ampatuan?
B: Ayoko nga! Ikaw na lang, baka ma-chever pa ko.
A: Girl, nag-chever daw kayo ni Elvis kagabi sa Plaza!
B: Chever lang yun!
From Urban Dictionary
1. churva
Churva is from the Greek word "cheorvamus" which means "for lack of the right word to say or in place of something you want to express but cannot verbalize"
-(when explaining something) about the churva churva....
- Hey girl....what's the latest churva?
2. churva
Churva is an expression used to pertain to something that cannot be adequately expressed or explained.
originated from the word chuva
oh you know... the churva?!
if you can't say anything else or speechless they say, CHURVA!
CHURVA CAN ALSO BE CHORVA
1. chorva
Chorva is a term used usually by gay Filipinos which very loosely means "whatever" or "something".
Chorva is used as filler to replace words the speaker can't immediately come up with during the conversation
"oh my god did you do our homework chorva?"
"no but like it's due tomorrow anyway"
"no, I can't get out today, there's some family chorva happening at home, my life is SO OVER."
"what the **** that chorva mean?"
"you know, um. chorva."
BUT THEN CHURVA AND CHORVA REALLY CAME FROM JOLINA MAGDANGAL'S CHUVA (you know that chorva, CHUVA CHU CHU, may movie pa sila ni Marvin Agustin noon)
1. Chuva
When you run out of words or you do not know what word comes after a word, you say 'chuva'.
Hey Nezza, you really look hot in that Baby Phat and Juicy...erm...Juicy Chuva black top.
2. Chuva
Chuva is a general term used as a substitute to any particular word (it may be a person, place, thing, verb, etc.)usually used as a Codename so that no one can identify who, where, what they are talking about.
JAY: have you seen Chuva?
Jane: nope, why are you CHUVAheng for her?
JAY: nada! i just wanna give this uhm..chuva to her..
Jane: oh, dont worry, i'll just chuva you when i see her..ok?
OLDER FORMS OF CHEVER, CHURVA, CHORVA AND CHUVA ARE "CHARING" AND "CHENES"
CHENES
1. chenes
When you run out of giving examples you just say chenes chenes. it's a gay lingo.
boy1: hey! have you ever loved a guy before?
gay1: you know chenes chenes
Credits: Urban Dictionary + Wikipedia
Subscribe to:
Posts (Atom)